Kalinaw, Kapayapaan, Paghidait, Kahusayan, Kappia, Saychid, Kali lintad, Diakatra, iba’t
ibang salita ngunit iisa ang pinapahiwatig. Magkakaibang lahi ngunit iisa ang
layunin. Layuning makamit ang bagong kabihasnan na kahit sino man ito’y
inaasam-asam.
Hindi natin
ipagkakailang kaguluhan ay talamak sa lipunan, ito’y hindi maiiwasan. Sino bang
dapat sisihin? Goberno, magulang o sarili mo mismo? Alam nating ito’y
nagsusulputan ngunit tayo’y nagbubulagan lamang. Sino ba ang dapat manguna sa
paglutas ng problema ito? Paano ito malulutas?
Kapayapan ay hindi kailan
man makakamtan kung hindi mo sisimulan, hindi ito tulad ng isang araw na
lulubog, lilitaw. Kung hindi ito ay pinagsisikapan, pinagtutuonan ng labis na pansin
at itatak sa puso’t isipan na ang kapayapaan ay makabubuo ng isang bagong kabihasnan.
Kailangan nating isipin ang mga positibong nangyayari sa ating lipunan upang
hindi makakaisip ng mas makasasama sa inyong lipunan, masdan mo ang isang bata
na tulad ng isang bagong sibol na halaman na kung naturuan mo kung paano
makipaghalobilo, tumulong sa kapwa at hindi naghihintay ng kapalit, siguradong
ang kapayapaan ay makakamtan.
Kaya makikiisa sa
pagpupunyagi na ang kapayapaan ay maisusulong ng bawat isa sa atin. ‘Wag kanang
lumingon, ‘wag kanang magbulag-bulagan pa at lalong ‘wag ibuntong sa iba.
Simulan mo, ngayon na!
No comments:
Post a Comment