Thursday, October 4, 2018

Simulan mo, ngayon na ang kapayapaan!


Kalinaw, Kapayapaan, Paghidait, Kahusayan, Kappia, Saychid, Kali lintad, Diakatra, iba’t ibang salita ngunit iisa ang pinapahiwatig. Magkakaibang lahi ngunit iisa ang layunin. Layuning makamit ang bagong kabihasnan na kahit sino man ito’y inaasam-asam.
Hindi natin ipagkakailang kaguluhan ay talamak sa lipunan, ito’y hindi maiiwasan. Sino bang dapat sisihin? Goberno, magulang o sarili mo mismo? Alam nating ito’y nagsusulputan ngunit tayo’y nagbubulagan lamang. Sino ba ang dapat manguna sa paglutas ng problema ito? Paano ito malulutas?
Kapayapan ay hindi kailan man makakamtan kung hindi mo sisimulan, hindi ito tulad ng isang araw na lulubog, lilitaw. Kung hindi ito ay pinagsisikapan, pinagtutuonan ng labis na pansin at itatak sa puso’t isipan na ang kapayapaan ay makabubuo ng isang bagong kabihasnan. Kailangan nating isipin ang mga positibong nangyayari sa ating lipunan upang hindi makakaisip ng mas makasasama sa inyong lipunan, masdan mo ang isang bata na tulad ng isang bagong sibol na halaman na kung naturuan mo kung paano makipaghalobilo, tumulong sa kapwa at hindi naghihintay ng kapalit, siguradong ang kapayapaan ay makakamtan. 
Kaya makikiisa sa pagpupunyagi na ang kapayapaan ay maisusulong ng bawat isa sa atin. ‘Wag kanang lumingon, ‘wag kanang magbulag-bulagan pa at lalong ‘wag ibuntong sa iba. 
Simulan mo, ngayon na!